Lost Password? No account yet? Register
  • Narrow screen resolution
  • Wide screen resolution
  • Auto width resolution
  • Increase font size
  • Decrease font size
  • Default font size

Newsbreak Online

Friday
Sep 03rd
Home arrow Sections arrow Hot Seat arrow Erap: Wait until 1st week of October arrow Sections arrow Hot Seat 
ALL |0-9 |A |B |C |D |E |F |G |H |I |J |K |L |M |N |O |P |Q |R |S |T |U |V |W |X |Y |Z

Article Index Sections Hot Seat

Erap: Wait until 1st week of October Print E-mail
Monday, 07 September 2009
Digg!
Image

Former President says he doesn't need anybody's advice on whether to run in 2010

The question that former President Joseph Estrada apparently wants the public to ask is not whether he can run for president again. He wants people instead to keep guessing whether he will actually run. Estrada was ousted from Malacañang 2 years into his 6-year term in January 2001. Now he's in a statistical tie with topnotcher Manuel Villar in surveys of presidential aspirants, and a state witness is linking him to the murder of a publicist who reportedly blackmailed him at the height of anti-Estrada protests in 2000.

Estrada, however, is unperturbed by the testimony. Neither is he about to lay down all his cards about his political plans. Last September 4, he told DZMM's Ted Failon that he will wait until the last week of September or the first week of October before he announces his plans. The transcript of the interview, in Filipino, was sent to several news rooms by Estrada's camp. We edited it only for clarity.

Sa Dacer-Corbito double murder case, nung una ang mga bali-balita ay wala raw direktang nag-uugnay sa inyo. Pero ngayon sa mga pahayagan sinasabi na kayo talaga ang nag-utos.

Siyempre, kinuha ng administrasyon [ang testigo, kaya] lahat ng deal ginawa diyan.... Di ko masyado kilala yan, dahil pag president [ka] di mo naman mga kilala mga generals. Mga chief of staffs lang at si [Panfilo] Lacson na PNP chief noon [ang kilala ko], dahil pag presidente ka, mga head of units at Cabinet members lang ang kinakausap dahil sa dami ng tao. Siyempre iyan ang kinuha  ng  mga taga-administrasyon para tumestigo, at lahat ng sasabihin sa kanya at ididikta ng abogado ay talagang sasabihin niya.

Hindi po ba’t dumadaan  ito sa mga paglilitis? So bukas o sa makalawa ay baka  mag-issue na ng warrant of arrest. Pag double murder case ay wala itong piyansa.

Nakahanda tayo diyan. Siyempre for survival, tatakbo ka (testigo) na sa Amerika. At pag survival [mode] ka na, ituturo mo lahat  kung sino ang gusto mong ituro.

Kung saka-sakaling kayo’y arestuhin, di kaya mas lalo pang tumaas ang ratings niyo? At kayo po ba ay gagawa ng lahat ng paraan para di kayo maaresto kung sakali?

Nung ikinulong ako nang dalawang  beses, pumunta  sa akin  ang Secretary of Justice na si Nani Perez. Nung bumaba ako sa Malacañang ay dalawang  bese akong  inalok para umalis ng bansa at wala daw kasong ipa-file sa akin basta pumirma lang ako na magbibitiw ako bilang pangulo ng bansa. Pero di ako pumayag dahil, una, wala naman akong kasalanan, at pangalawa, ay hindi ako aalis ng bansa kahit anong mangyari.

Nakita mo naman na sa Sandiganbayan wala silang napatunayan na kahit isang kusing na ninakaw ko sa kaban ng bayan. Inakusahan ako sa jueteng, di ko naman kinuha, di naman ako nakinabang kundi para sa Muslim youth para makapagpatuloy sila ng pag-aaral sa kolehiyo. Pinagbintangan pa ako na tumanggap daw ako ng komisyon sa  mga private corporation.... Kaya siguro yung mga husgado  na  nag-convict  sa akin, pagkatapos noon approved agad sila sa Supreme Court, binigyan ng gantimpala.

May araw din itong mga taong ito--iyong mga walang kasalanan ikinukulong, pero iyong mga huling-huli na at bilyon-bilyon  na ang ninanakaw sa pamahalaan ay hindi. Sina Jocjoc Bolante sa fertilizer fund, ninakawan  ang  mga magsasaka, wala pa ding nangyayari [sa kaso] pero   dokumentado naman.

'Ika ninyo, 99.9% tuloy na tuloy na kayo [na tatakbo sa 2010]. Ngayon kaya maaari 'nyo nang sabihin na 100% kayong tutuloy na?

Ewan ko, baka may pagbabago pa, kaya tignan natin hanggang last week of September o first week ng Octrober. Kasi may mag nag-a-advice diyan na di solicited ang advice. Di ko naman kailang ng advice eh--lalo na kung galling sa ibang partido--dahil alam ko ang ginagawa ko.

Alam mo ang problema ng Liberal [Party] ay sa Liberal lang. Dahil di ako miyembro ng Liberal Party, ang nangyari dun pinalitan nila ang kandidato sa pagkapresidente pero di naman nabawasan ang kandidato, di ba?

Ano po ang definition ngayon ng opposition? At sino ang oposisyon ngayon?

Malalaman din natin iyan. May mga bali-balita nga na may oposisyon na nakikipag-usap sa administrasyon, pero di ko naman kumpirmado. Siyempre pag pulitika may kanya-kanyang kuha ng mga bata-bata at grupo, para tagasira, tagagawa ng mga political gimmick, at may mga propaganda pa na kapwa taga-oposisyon na nagsisiraan. Magkakaalaman din iyan.




INTERACT WITH THIS ARTICLE
Reddit!Del.icio.us!Google!Live!Facebook!Slashdot!Netscape!Technorati!StumbleUpon!Spurl!Newsvine!Furl!Yahoo!Ma.gnolia!Add this social bookmarking functionality to your website! title=
Last Updated ( Sunday, 20 September 2009 )
 
< Prev   Next >

Get to access our archives and premium content. Subscribe to Newsbreak Online for only US$15 a year. How do I Subscribe?


LOGIN






Lost Password?
No account yet? Register

Follow This Site On

Twitter Facebook

Email Updates


Join Newsbreak's mailing list for updates.



Powered by groups.yahoo.com


Add to Google
Add to My Yahoo!

PRINT EDITIONS


(See past issues here.)


 
 
2Checkout (2CO) is the authorized online retailer of Newsbreak products. Purchases are made on their website. 2CO does not share with us your credit card details. Click the button below to find out more.



Are you interested in selling your products online through 2CO? Click here to sign up for a vendor account.

| Sitemap | FAQ | RSS | Rules | Subscribe |